#KardingPH Update | Madaling araw na (September 26, 2022, 1:12 AM) pero patuloy pa din ang pag-monitor ng ating butihing Alkalde, Atty. Philip A. Dacayo sa lagay ng panahon dulot ng bagyong “Karding” kasama si Sir Louie P. Sagadraca ng MDRRMO. Gayundin sa bawat barangay para sa kanilang mga reports at pagbabantay sa kanilang lugar.

Nakaantabay buong magdamag katuwang ang iba’t ibang ahensiya upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Solanoan. Mag-ingat tayong lahat!